Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jasmine, Myla pa-wow sa Bawal Judgmental

0 308

Pakitang gilas bilang mga guest sa programang “Bawal Judgmental” ng afternoon show Eat Bulaga sa Channel 7 ang mga Southeast Asian Games medalist kahapon.

Bumida at nag-bigay aliw ang mga sikat at multi-awarded athletes sa programa na nilahukan din ni comedian Empoy.

Agaw eksena sa tatlong rounds sina two-time Olympian swimmer Jasmine Alkhaldi, 27, multititled volleybelle Myla Pablo at tennis star Anna Christine ‘Tin’ Patrimonio.

Hindi rin nagpahuli sa TVshow sina Gilas Pilipinas women’s basketball player Ana Alicia Katrina Castillo, arnis fighter Ryssa Jezzel Sanchez, fencer Jylyn Nicanor at boxing champion Carleans ‘Chay’ Rivas.

Sumalang ang mga atleta sa tatlong round na may mga katanungan na “Sinu-sino sa kanila ang nag-compete sa 2019 SEA Games?”, “Sino mga naging model?” at “Sino na ang more than 5 years na sports trainer?”

Bukod rito, ipinamalas din ng mga manlalaro ang kanilang singing at dancing talents sa (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.