Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jasmine nahawa ni Anne

0 97

NI: ARCHIE LIAO

Aminado si Anne Curtis na isa siyang avid fan ng Koreanovela.

Katunayan, nadaragdagan ang list niya ng mga idolo niyang K-Drama actors.

Bukod kina Hyun Bin, Gong Yoo at Lee Min Ho, fangirling na rin siya kay Kim Soo Hyun, ang leading man ng hit Netflix series na “It’s Okay to Not Be Okay.”

Pero sa ngayon, hindi lang si Anne ang adik sa K-dramas dahil naimpluwensiyahan na rin niya ang kanyang younger sister na si Jasmine.

Kinaaliwan naman ng mga netizen ang exchange ng kanilang private messages sa kanilang Instagram kamakailan.

Nagbahagi sila ng mga photo ng mga kilalang K-drama actors at nagbigay ng kanilang komento.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nag-share si Jasmine ng photo ni Kim Seon Ho, ang isa sa mga actor sa Start Up.

Nag-reply naman si Anne sa pamamagitan ng pages-send ng photo ni Kim Soo Hyun.

“Hahaha it’s truly official,” sey ni Anne.”Kinain na rin ng sistema si sestra. Di niya ako gets dati eh. But now, look at her,” pahabol niya.

Amused naman ang mga netizen nakakapag-bonding ang magkapatid sa pamamagitan ng panonood ng K-dramas.

Hirit naman ng ilan, maganda rin daw itong paraan para mahasa pa ni Jasmine ang galing sa teleserye.

Matatandaang sinabi noon ni Anne na ready na rin siyang bumalik sa paggawa ng TV series pero bet niyang may K-drama feels ito na good for 12 to 16 episodes lamang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.