Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jasmine napagkamalang ermat ni Anne

0 668

NI: ARCHIE LIAO

Nag-post ang Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith ng nakakatawang video ng reaksyon niya sa isang netizen na nagtanong kung siya raw ba ang ina ni Anne Curtis.

Sa naturang video, emote ng isang confused girl ang drama ni Jasmine sa tanong ng netizen tungkol sa kanilang relasyon ng nakatatandang kapatid.

Ibinahagi niya ito sa nasabing komento ng netizen sa kanyang social media platform.

“Di ba po anak nyo po si Ms Anne?”, ito raw ang hirit ng netizen.

Halos hindi naman maipinta ang pinaghalong nakakatuwang reaksyon ni Jasmine.

“Waaahh ten years akong mas bata sa kanya,” caption niya. “Kelan po bakit ako pa yung nanay.” dugtong niya.

Umani naman ng iba’t-ibang reaksyon ang naging post ni Jasmine.

May mga nagsabing mas bata raw kasing tingnan si Anne at mas sexy sa kanya.

Dati na noong nagkaroon ng isyu si Jasmine dahil na-bash siya ng ilang kate-katera dahil umano sa kapayatan niya o pagiging mukhang anorexic.

Leave A Reply

Your email address will not be published.