Abante Tonite Interactive

Jasmine out kay Alden

By
2,083

Matitigil na ang mga basher ni Jasmine Curtis Smith dahil hindi totoo ang tsikang itatam­bal siya kay Alden Richards ngayong isa na siyang Kapuso.

Hindi kasali si Jasmine sa cast ng ‘Victor Magtanggol’ at sa halip ay nasa bagong GMA soap siya na ‘Pamilya Roces’.

Mukhang family drama ito na bukod kay Jas ay part din ng cast sina Carla Abellana, Gabbi Garcia, Rocco Nacino, Christian Bautista, Winwyn Marquez, Mika dela Cruz at Shaira Diaz.

Nandito rin sina Elizabeth Oropesa, Snooky Serna, Roi Vinzon at ang nagbabalik-Kapuso na si Gloria Diaz.

Balik-GMA at balik-teleserye rin si Direk Joel Lama­ngan na matagal nang panay pelikula at stage musicals ang ginagawa.

Tweet ni Jas, “Thank you, GMA Network. Looking forward to working on my first project with you all.”

Kaagad na-bash si Jasmine nang mapabalitang isa siya sa magiging kapareha ni Alden sa gagawin nitong primetime series.

Sina Janine Gutierrez at Andrea Torres ang kasama ni Alden sa ‘Victor Magtanggol’, na biglang sa Japan na ang taping samantalang ang unang napabalita ay sa Nova Scotia sa Canada sila magsu-shoot.

Jomari lalaki ang bagong baby

After 19 years ay tatay na ulit si Jomari Yllana dahil nanganak na ang kanyang live-in partner na si Joy Reyes.

Christiano Ayrton Yllana ang pangalan ng anak nina Jom at Joy na ang tawag nila ay Baby Jomjom.

“You make me smile, you make me sing. You take my breath away. We welcome you to our family,” ang caption ng proud father na si Jom sa pic nilang mag-ama.

Nu’ng December ay nag-post ng sonogram si Jom sa Instagram na ang caption niya ay, “Proud Dada.”

Bago ang nasabing baby ay nakunan si Joy, kaya mas naging maingat sila sa sumunod na baby dahil maselan itong magbuntis.

19-anyos na ang anak ni Jom kay Aiko Melendez na si Andre Yllana. May 10-year-old younger sister si Andre na si Marthena, anak ni Aiko sa sumunod nitong asawa after Jomari na si Martin Jickain.

Minsan ay lumalabas pa rin sa mga teleserye ang 41-anyos na Konsehal ng Parañaque na si Jomari.

Winwyn sinopla ang basher

Naba-bash ngayon si Teresita Ssen ‘Winwyn’ Marquez dahil sa opinyon niya tungkol sa pagsali ng transgender women sa Miss Universe.

In all fairness ay naging maingat ang Reina Hispanoamericana 2017 na si Winwyn sa naging sagot niya dahil ayaw niya ring maka-offend lalo pa’t isang transwoman ang kandidata ng Spain sa Miss U this year, si Angela Ponce.

Malinaw ang pahayag ng Kapuso actress-beauty queen na kung payag ang mga taga-Miss U ay dapat nating tanggapin at wala itong problema sa kanya.

Si Winwyn mismo ay nanalo sa isang international pageant na pang-Latina kahit na siya ay isang Asyana.

Aniya, “It boils down to what will Miss Universe Organization do. If they accept, then we all have to accept it. ‘Yun naman ‘yon, eh.

“Wala naman tayong power para sabihin sa Miss U kung ano ang gagawin, kung anong bawal at hindi.

“Ako, sobrang bow ako sa mga transgender, kasi they are very proud of who they are and there’s nothing wrong with that. It’s just let’s give Miss Universe to natural-born women.

“And then ‘yung Miss International Queen, they also have their venue for that. No disrespect at all, ‘di ba?”

Sinagot ni Wyn ‘yung isang nag-comment sa IG niya na she offended many people with her not so open-minded opinion.

Sey niya, “I guess you just read the headline, darling. Open-minded people respect other people’s opinion. So, ano tawag sa ‘yo? Nag-isip ka ba bago nag-comment sa page ko?

“Did you miss the part na saludo ako sa mga transwomen dahil hindi sila takot ipakita kung ano sila at ibahagi ang story nila kaya mataas ang respeto ko sa kanila?

“At kung sa MU 2018 pageant makasali sila dahil walang problema sa MUO, then wala rin problema sa akin kasi marunong ako rumespeto sa desisyon ng ibang tao kahit iba pa ang opinion ko.”

May hirit pa siya sa nasabing netizen na nag-abala pa itong gumawa ng bagong account para lang maka-comment sa page niya. Sana raw ay ginamit na lang nito ang tunay nitong account.

Ang kandidata ng ‘Pinas na si Catriona Gray ay nagsabing wala itong problema na makipag-compete sa isang transgender sa Miss Universe 2018.

Visible ngayon si Winwyn dahil leading lady siya ni Vhong Navarro sa PPP 2018 entry na ‘UnliLife’ ng Regal Films at kasali siya sa bagong Kapuso serye na ‘Pamilya Roces’.