Abante Tonite Interactive

Jasmine: Pantanggal tensyon, depresyon

495

Alam n’yo bang mainam ang bulaklak na Jasmine o Sampaguita na ilagay sa isang silid.

Ito ay dahil sa mabangong amoy nito na nakakabawas ng tensyon, anxiety, panic attacks at depresyon.

Ang halaman ng sampaguita ay mabisa din na nagpapalakas ng lebel ng oxygen kapag nasa loob ng kuwarto o sa bahay dahil nasasagap nito ang hangin na napapalitan ng masarap na amoy.

Base sa pag-aaral, malakas ang taglay ng sampaguita na kontrolin ang levels of oxygen at stress dahil sa taas ng toxin levels nito na kayang pawiin ang stress at anxiety o pagkabalisa.

Ayon kay Professor Hanns Hatt, inilabas na nila ang kanilang pag-aaral at nailathala na sa Journal of Biological Chemistry online na nagpapakita ng mga kahusayan sa paggamit ng aromatherapy.

Related Posts

Nadiskubre pa na ang maaaring magamit ang aromatheraphy bilang pampakalma at nakaaalis ng depression, anxiety at aggression sa sinumang makalalanghap nito.

Ang Jasmine ay epektibo kumpara sa anti-an-xiety medication, sedatives, sleeping pills dahil mas mabilis ang epekto nito ng mahigit limang beses.

Ang Jasmine essential oil ay isang natural na paraan para makatulog ng mahimbing, pinapababa ang lebel ng pagkapagod at fatigue and pag-kabalisa, nakapagbibigay ng kasiyahan, may matalas na pag-iisip at nakaaalis ng depression at pampakalma.

Kabilang pa dito ang nagpapabawas ng tensyon, binabalanse ang mood, nagiging alerto, maayos na pagtulog, balanse ang hormones para sa may mood swings at hot flashes. (Vick Aquino)