Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jasmine ‘pinahiya’ ang delivery driver

0 142

NI: ARCHIE LIAO

Umani ng samu’t-saring reaksyon ang naging Twitter post ni Jasmine Curtis Smith kaugnay ng reklamo niya sa isang Grab driver.

Ipinost niya ang litrato ng delivery driver na inakusahan niyang pinag-interesan umano ang kanyang order.

May mga pumabor sa ginawa ng aktres at meron din namang umalma sa umano’y ‘pagpapahiya’ niya sa nasabing delivery driver.

Sey niya sa kanyang original post:“Hey @grabfoodph, your rider stole my order. He won’t answer texts or calls. (sad face emoji).”

Reaksyon naman ng isang concerned netizen: “Hmmm sana di na ipost, i know di mo nakuha u g fud mo pero pwede nman ireport sa app. What if nagkaprob lang . Naipost at napahiya na si kuya, cguro nman di ganun kabawasan ung halaga nawala sau. Pero ung kahihiyan ng tao if di nman sadya ang nangyari di na maibalik.”

Dinepensahan naman ng aktres ang sarili sa pagsasabing dinelete na niya ang naturang post.

“Hi, I’ve taken it down and I did simultaneously report it in the app, and via Twitter. The Grab team has processed my refund. Wala po sa halaga ang concern. Thank you for your advice and will take this on board next time,”hirit niya.

Nanganak naman ng iba pang komento sa mga netizen ang ginawa niyang post.

Ito ang ilan sa kanilang reaksyon.

“Wow, its nice to know that you read our comments and find time to reply. Yeah i know its not about money, i was just concerned because you posted a pic. Im glad grab processed your refund… Thanks for the reply. ❤️”

“jasmine bat kailangan mo pa ipahiya yung rider para lang sa kukurimpot na pagkain pangalandakan mo pa sa millions of followers mo?”

“Eh kaso, damage has been done!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.