Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jasmine sabik magka-baby

0 248

Noong kasagsagan ng lockdown, labis ang pananabik ni Jasmine Curtis–Smith na makita si Baby Dahlia, ang kanyang pamangkin sa sister na si Anne.

Pero, dahil bawal ang travel noon at gusto niyang dumalaw sa mag-ina sa Australia, nagkasya na lamang siya sa mga panonood ng videos ng kanyang cute niece sa bonding moments nito sa kanyang mommy.

Kaya ngayon namang nasa bansa na ang mag-asawang Anne at Erwan Heussaff kasama ang darling pamangkin niya, wala siyang sinayang na oras para makasama ito.

Sobra kasing fond ang Tita sa kanyang beautiful niece kaya naman she makes a point na kung may spare time siya ay dinadalaw niya ito.

Sa pinakabagong post ni Anne, pinasalamatan naman niya ang nakababatang kapatid sa pag-aasikaso nito kay Baby Dahlia habang abala siya sa pagtupad sa kanyang showbiz commitments .Nagkasunod-sunod din kasi dahil matagal din siyang nawala.

“ #IDon’tSayThisEveryDayBut thank you to my sestra for being an amazing Tata. Whenever I have a day full of zoom meetings or one of the rare days I go out to work o my it be just any random day, I appreciate you coming to play house or lutu-lutuan and yes, even magic magic with Dahlia. Love you sestra @jascurtissmith,” ani Anne sa kanyang IG account.

“I love you sestraaaaaaa @annecurtissmith!!!! Anytime and anything for you always,” tugon naman ni Jasmine.

Marami naman ang pumuri kay Jasmine sa pagganap niya ng kanyang Tita duties.

Sey nila, nakikita nila ang katangian ng isang mabuting ina kay Jasmine dahil mahilig din daw ito sa mga bata.

Pansin naman ng ilan, sa kanyang pag-aalaga kay Baby Dahlia, mababanaag din ang pananabik ni Jasmine na magkaroon na rin ng baby.

Alma naubos ang pisi kay Joey

Naging panauhin ni Winwyn Marquez ang kanyang inang si Alma Moreno sa vlog nito.

Humingi ng tips ang beauty queen-actress sa kanyang ina tungkol sa kung paano malalaman na ang isang babae ay niloloko na ng isang lalake,

SM food to go Banner Ad

“Seryoso ‘to kasi marami na akong pinagdaanan. Hindi, joke lang,” sey ni Ness.

Ani Ness, sa dami ng pinagdaanan niya sa pakikipagrelasyon, ang masasabi lang niyang naging batayan niya ay ang gut feel niya.

Malakas daw kasi ang kutob niya pagdating sa mga ganitong bagay.

Ikalawa, kapag naramdaman mo raw na nanlalamig na ang iyong partner mo sa iyo ay dapat ka nang kabahan.

May mga pagkakataon ding nagiging defensive ang isang lalake to the point na magsinungaling na ito.

Pero, kahit papaano raw, mahaba ang pisi niya pagdating sa mga naging partner.

Minsan, kailangan daw niyang mahuli muna ito sa akto at masaksihan mismo ng kanyang mga mata ang pagloloko nito para siya maniwala.

Siya raw ang tipo ng babaeng gagawin ang lahat para isalba ang kanyang relasyon.

“Hanggang kaya mong isalba ‘yung relasyon ninyo, isasalba mo. Pero kung napuno na ‘yan, may hangganan talaga ‘yan. ‘Pag naubos ka, sorry ka,” ani Alma.

Gayunpaman, kapag daw nasagad na raw siya, siya na ang gagawa ng paraan para kumawala sa isang relasyon na wala namang patutunguhan.

“Kasi ‘pag ayoko na, ayoko na. Kasi kumbaga ginawa ko na ‘yung part ko eh. Wala siyang masisisi sa’yo na bakit hindi ka nagtiis. Sobra na ‘yun eh,” paliwanag niya.

Tungkol naman sa naging relasyon nito sa kanyang amang si Joey Marquez, ito ang masasabi ni Ness.

“Natutuwa ako dahil nakatagpo na siya ng talagang mabait at mag-aalaga sa kanya,” pagtatapos ng beteranang aktres.

Leave A Reply

Your email address will not be published.