Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jasmine lakas magpapawis

0 93

Siniguro ni Jasmine Curtis-Smith na nakahanda siyang mabuti sa muling pagsabak sa taping.

May mini-series din silang ginagawa ni Alden Richards na pinamagatang “I Can See You: Love on the Balcony.’

Ayon sa aktres, pinalakas niya ang kanyang resistensiya sa pamamagitan ng pagkain nang wasto at regular na pagi-exercise para magpapawis. Ilan ito sa mabisang paraan para di dapuan ng COVID-19 dahil matibay ang immune system.

Aniya, “If you take care of your health, you take your vitamins, you exercise regularly, you really are present sa pangangalaga sa sarili mo…also do the safety precautions, you should be fine. You should just be wary of people around you. You should be extra cautious pa rin of that.”

Naging inspirasyon din ni Jasmine ang nakuhang recognition ng Descendants of the Sun mula sa Seoul International Drama Awards kaya mas lalo siyang na-excite na magtrabaho at makita ang kanyang co-stars gaya nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado at Rocco Nacino. (RFC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.