Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jason dawit sa away nina Boobay, Tekla

0 386

Prank lang ang talakan nina Boobay at Tekla sa kanilang show. Hindi talaga seryoso ang away nila.

Pinagtripan nila si Vickie Rushton na shookt sa nangyari.

Aminado pa naman ang beauty queen-actress na may trauma ito sa mga nag-aaway sa harapan niya.Hindi niya tuloy alam ang gagawin kung aawatin niya ang mga ito.

Actually, kasama ni Vickie ang kanyang boyfriend na si Jason Abalos na guest sa segment na ‘yun.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kalmado lang si Jason dahil may idea na pala siya na prank ‘yun.Kinausap siya at kasabwat bago mag-start ang show.

Nagduda rin si Vickie kung prank ba ‘yun dahil di raw tumitigil ang dalawa kahit inaawat na ng director at producer ng TBATS. Tinanong niya si Jason pero tinanggi nito na lokohan lang ‘yun.

Kinuha naman namin ang reaksyon ni Boobay kung ano ang gagawin niya kung sakaling sasapakin siya talaga ni Tekla.

“Naku po,Kuya! Ikakarate ko po siya pag nagkataon,” pakli niya.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.