Abante Tonite Interactive

Jason, insecure kay Melai

131

IPINADALA sa amin ng isang staff ng Magandang Buhay ang link ng episode nila kahapon kung saan guests sina Bea Alonzo at Gerald Anderson, stars ng How To Be Yours ng Star Cinema at kasalukuyang showing na sa mga sinehan.

Ipinanood sa amin ng staff ng show ang mga ipinahayag ng isa sa hosts nila, ni Melai Cantiveros, na may kinalaman sa greatest love at destiny.

Sa simula kasi ng show, may topic na iiwanan mo ang greatest love mo para ma-meet mo ang destiny mo.

Sabi ni Melai, hindi siya nag-agree sa co-hosts niyang sina Karla Estrada at Jolina Magdangal at sinabing ang greatest love niya ay ang destiny niya.

“So, ‘yung destiny ko ay ‘yon ang asawa ko (Jason Francisco). So, kahit ano pang problema ang duma­ting… (mangiyak-ngiyak siya sa puntong ito, pero halatang pinipigilan niya), paglalabanan ‘yan.

“Kasi, siya ang forever ko, eh.
“Because ang forever is a choice, and I choose my forever (na obviously ay si Jason ang tinutukoy),” pahayag ni Melai.

Kahit naglabas na ng sentiments si Jason tungkol sa hiwalayan nila ni Melai at nadamay pa si Carlo Aquino na co-star ng TV host/comedienne sa We Will Survive, hindi pa rin deretsahang nagsasalita si Melai tungkol sa hiwalayan nila ng kanyang mister.

Ayon sa mga malalapit kay Melai, umaasa pa rin siya na kahit na kalat na ang problema sa pagitan nila ng kanyang mister ay maaayos din ‘yon at muli silang mabubuo ng kanyang pamilya.

Kung matatandaan, nagkaroon na rin ng problema noong araw sina Melai at Jason (hindi pa sila mag-asawa noon), pero naayos ‘yon at nagkabalikan silang dalawa.

May ibang nagkokomento na nai-insecure lang si Jason dahil mas may career sa kanya si Melai.

Ano kaya ang masasabi ni Jason tungkol sa bagay na ito?

We just wish na hindi violent ang maging reaksyon niya at baka ma-obvious na insecure lang siya, ‘noh?!