Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jason, Kean, Gretchen tutol kanselahin ang eleksyon

0 116

NI: ARCHIE LIAO

May suhestiyon si Mikey Arroyo, dating presidential son at Pampanga congressman na ipagpaliban ang general 2022 elections .

Baka raw takot pa rin ang mga taong lumabas at wala pa ring kasiguraduhan na na-address na ang problemang pangkalusugan hinggil sa COVID-19.

Agad namang inalmahan ito ng mga netizen kasama ang local celebrities na sina Kean Cipriano, Jason Abalos, Gretchen Ho at Nikki Valdez .Hindi na raw sila makapaghintay ng 2022 para ma-exercise ang right nilang makaboto sa susunod na election.

SM food to go Banner Ad

Sey ni Kean: “NO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! IT IS OUR RIGHT TO VOTE!! Why not try to just focus on finding solutions to get us out of this pandemic instead of postponing the 2022 elections. Because every Filipino deserves good leadership. It’s been 7 months! C’mon.”

Hirit naman ni Jason :”Cancel daw 2022 election dahil pandemya, sa pampangga nagmula. Cancel nyo nga yang nakaupo na yan sarap na sarap sa pwesto.”

Ani Gretchen: “Sinong takot? Not Me. #RegisterNow #Halalan2022.

Giit naman ni Nikki : “Nope. Di nga natakot magpapicture sa pekeng white sand nung nagbukas eh. Bumoto pa kaya?! Kalokohan” (Archie Liao)

Leave A Reply

Your email address will not be published.