Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jason nagpakita ng puwet

0 425

Dream come true kay Jason Abalos na muling maidirek ni Joel Lamangan. Nang i-offer sa kanya ang pelikulang Silab ay sinunggaban niya agad ito. Hindi na rin siya nagdalawang isip kahit may butt exposure.

Gusto kasing bumawi at ipakita ni Jason ang improvement niya sa pag-arte kay direk Joel.

Nu’ng baguhan pa lang siya ay natalakan siya ni direk dahil umabot siya ng ilang takes sa kanyang eksena sa seryeng Vietnam Rose.

Pero ngayon todo puri na rin siya ni direk Joel. Humusay na raw si Abalos at naging URIAN best actor pa.

May anekdota pa si Jason kay direk Joel. Natakot daw siya at nagulat dahil lumapit sa kanya si direk na may dalang sinturon. Akala niya ay papaluin siya. Nagtanong daw siya kung anong kasalanan niya at kung anong nagawa niya.

Pero pinahila pala ni direk ang sinturon dahil nakita niyang inaantok at nanlalambot na si Jason. Paraan pala ito ni direk para magkaroon siya ng energy.Nu’ng baguhan kasi si Abalos ay wala itong PA, driver na mag-aasikaso sa kanya.

Tinanong din namin si Jason kung ipapanood niya ang Silab sa girlfriend niyang si Vickie Rushton. Daring siya dito at nagpakita pa ng puwet.

“Sabi ko ‘wag na. wag na niya panoorin,” pakli niya.

SM food to go Banner Ad

Selosa ba siya?

“Hindi naman pero baka ma-shock siya sa mapapanood niya kasi never niya akong nakita sa mga eksena ko sa Silab sa mga pelikulang nagawa ko na ,” sambit pa ng aktor.

Anyway, sa pelikulang Silab, tatlong puso ang mapapaso sa mag-aapoy na pag-ibig.

Sa July 9 ay mapapanood na mga nagbabagang eksena ng Silab sa Vivamax.

Kasama ni Jason sina Cloe Barreto at Marco Gomez.

Ang Silab ay mula sa panulat ng multi-awarded scriptwriter na si Raquel Villavicencio (“Ikaw Pa Lang ang Minahal”, “Pinulot Ka Lang sa Lupa”, “Dapat Ka Bang Mahalin”, “Batch 81”, at “Kisap Mata”.) Ito ay kinunan sa Lian, Batangas at sa Pampanga. Kabilang sa pelikulang ito sina Lotlot de Leon at ang beteranong aktor na si Jim Pebanco.

‘Wag palampasin ang Silab. Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store.

Mapapanood din ang Silab sa Vivamax Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar!

Leave A Reply

Your email address will not be published.