Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jason ‘naumay’ kay Moira

0 292

Ni: CRISTY S. FERMIN

Matagal nang umiikot ang kuwento na hiwalay na sina Moira dela Torre at Jason Hernandez. Pero sila ang kumokontra sa balita, fake news daw ‘yon, hanggang heto na nga at kinumpirma na nilang hiwalay na sila.

Sayang. Pinag-isa pa naman sila ng mundo ng musika. Pareho silang kompositor, magaling kumanta si Moira, mahusay na musikero si Jason.

Third party ang dahilan, si Jason mismo ang umamin, nakiusap naman si Moira na bigyan sila ng kapribaduhan ng nakahiwalay niyang asawa.

Dahil kilala ang mga bumibida sa istorya, lalo na si Moira, ay kaliwa’t kanang komento ang mababasa ngayon sa social media. Si Moira ang mas nasesentruhan ng mga komento.

Sabi ng isa, “Naumay na rin siguro si Jason sa relasyon nila ni Moira. Magaling siyang singer, pero nakakaumay siya, her voice will put you to sleep.”

Aray ko!

Leave A Reply

Your email address will not be published.