Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jason tutok sa ‘The Clean Water Project’ sa Cagayan ,Isabela

0 84

Sinimulan ng Kapuso actor na si Jason Abalos ang ‘The Clean Water Project’ para sa mga residente ng Cagayan at Isabela na tinamaan ng bagyo. Layunin nitong magbigay ng malinis na tubig para sa mga nasabing probinsya.

“Maigsing kuwento lang. Kahapon kausap ko pinsan ko na nasa Isabela sabi ko bili tayo water containers para pwede pa magamit ulit, at sana may mga refilling station sa Cagayan at Isabela na magbigay muna ng libreng refill ng tubig. Nakapagbigay po kami ng ilan. Pero madami pa rin po ang nangangailangan ng malinis na tubig na maiinom,” kuwento ng aktor ng historical film na Balangiga 1901 mula sa JF Films at sa direksyon ni Danny Marquez.

Dagdag pa ng aktor, “Hindi ako nagse-celebrate ng birthday pero magsisimula ako ngayon at magpapainom tayo ng malinis na tubig. DM n’yo na lang po ‘yong regalo n’yo na donasyon at bibili tayo ng water containers para sa pamilyang nasalanta ng bagyo. Maraming salamat po,” aniya.

Ibinalita rin ni Jason na as of November 18, mayroon nang naipong clean drinking water para sa 400 families ang proyekto.

Jennylyn may payanig na StarTruck

Bongga ang paandar ni Jennylyn Mercado para makapagbigay ng ayuda sa mga napinsala ng bagyong si Ulysses sa Cagayan.
Tinawag niyang StarTruck ang 10-wheeler truck na pupunuin niya ng relief goods.
Nakatakdang ihatid sa Nov. 27 ang truck saTuguegarao, Cagayan .
Mababasa sa Facebook page ni Jen.

SM food to go Banner Ad

“Ultimate StarTRUCK para sa mga Survivors!”
“Bessies!!!! Calling for your help na punuin natin ng donation itong truck na ito para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa Cagayan! Bukod sa mismong truck, may hinahanda na kaming 1000 bags of relief goods. Bilang ang laki nito theres room for more donations!
#StarTRUCK #StarTRUCKParaSaMgaSurvivors.
Bongga!

Richards nag-record ng bagong single

The gift that keeps on giving! Talaga namang walang tigil ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa paghahatid ng saya sa kanyang loyal fans. Isa na namang regalo ang kanyang inihahanda kasama ang GMA Music at FlipMusic Productions kasabay ng paggunita sa kanyang 10th anniversary sa showbiz.

Makikita sa social media pages ng GMA Music ang behind-the-scenes ng pagre-record ni Alden ng pinakabago niyang single. Malapit na i-reveal ang magiging title nito kaya tumutok lang sa mga susunod na updates ni Alden at ng GMA Music!

Samantala, all set na rin ang Kapuso star sa kanyang upcoming anniversary concert na ‘Alden’s Reality’ sa darating na December 8! Ito ang kauna-unahang virtual reality concert na gaganapin sa bansa.

Para sa mga hindi pa nakakuha ng tickets, bisitahin lang ang www.gmanetwork.com/synergy! Magmadali na dahil balita naming ay almost sold out na ang VIP tickets nito!

Leave A Reply

Your email address will not be published.