Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Javier kinuha ng TNT sa Blackwater

0 92

Naghahanda na ang TNT Katropa para sa pagbabalik-aksyon sa PBA.

Ito’y matapos na kuhanin ng koponan nitong Biyernes si Chris Javier, nang ilagay ng Blackwater Bossing sa unrestricted free agent.

Si Javier ay 5th overall pick sa 2016 PBA Draft, kung saan na-lineup sa 2016 FIBA Asia Challenge.

Ipantatapal siya ng KaTropa sa puwestong binakante nang nagretirong si Kelly Williams sa kalagitnaan ng bubble training. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.