Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jaworski kakaiba – RSA

0 283

Para kay business tycoon Ramon S. Ang, walang kapantay si Living Legend at 13-time PBA champion Robert Jaworski.

Ayon sa San Miguel Corporation President at CEO, hanga siya sa naging mahabang playing career ni Jaworski na tumagal ng 23 taon at naging isang player-coach pa para sa Barangay Ginebra San Miguel.

“Si Jaworski is the legend. Nobody has ever matched him,” litanya ni Ang sa isang interview ng Summit Media.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ipinunto rin ng businessman-sportsman ang bagsik ng Hall of Famer na Jaworski tuwing nasa court.

“Kapag nasa court ‘yan, lahat ng tao, takot sa kanya. Baka kung ano gawin niya eh,” panapos na sey ni Ang.

Naglaro si Jaworski ng 14 taon kasama ang Ginebra sa PBA at naging PBA MVP rin noong 1978. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.