Abante Tonite Interactive

Jaworski nakisaya sa Ginebra 40th anniv

337

Pinangunahan ni ‘Living Legend’ Robert ‘Sonny’ Jaworski, Sr. ang pagdiriwang ng 40th Barangay Ginebra San Miguel 2019 Anniversary Celebration sa Philippine Basketball Association kasabay ng paglulunsad ng 2019 Never Say Die Jersey Collection Huwebes sa Novotel Manila Hotel sa Araneta Center, Cubao, QC.

Binalikan din sa gabing iyon ang mga alaala at mga sandali sa tumatak na ‘Never Say Die’ spirit ng natatanging dating playing coach ng team at ng mga kilala pang Gin Kings sa nagdaang apat na dekaka.

Sila ay sina former MVP Mark “The Spark” Caguioa at Jayjay “The Fast” Helterbrand, import Justin Brownlee at rising superstar Earl Scottie Thompson.

Nasa pinakabagong NSD collection ang No. 7 jersey ni Jaworski Sr., No. 13 ni Helterbrand, No. 47 ni Caguioa, No. 6 uniform ni Thompson at No. 32 ni Brownlee para sa ikatlong batch ng collectible jerseys ng crowd favorite pro squad.

Makokolekta ang mga limited edition jerseys kada anim na selyo ng Ginebra San Miguel o limang takip ng GSM Blue, GSM Blue Flavors, Primera Light Brandy at Ginebra San Miguel Premium Gin para makuha ang isang jersey sa halagang P100 na mabibili sa mga supermarket o convenience store outlets sa kapuluan ng bansa.

Available ang Ginebra San Miguel 2019 jersey collection hanggang Hunyo 30. (Janiel Abby Toralba)