Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jay nag-sorry sa buntis isyu kay Julia

0 467

NI: VINIA VIVAR

Binawi na ni Jay Sonza ang kanyang fake news na ipinost sa kanyang FB page kung saan nga ay buong ningning niyang inanunsyo na buntis si Julia Barretto kay Gerald Anderson. Kasabay nito ay humingi na rin siya ng dispensa.

“May umamin kasi. Kaya nagalak ako. Kung ganoon po, binabawi ko ang aking masayang pagbati. Happy & excited kasi ako kapag may nabibiyayan ng Buhay.

“Pasensiya na kung napaaga ang aking Congratulations. Itatabi ko na lang muna iyong regalo ko sa kanila,” ang post ni Jay.

Isinagawa ng newscaster ang retraction at paghingi ng sorry matapos i-deny ni Julia ang issue saying it was a fake news.

Dahil sa pagkakamaling ito ni Jay ay may mga naghihinala na baka napagkamalan daw nitong si Janella Salvador si Julia.

As we all know ay may isyung buntis daw ngayon si Janella at ang boyfriend nitong si Markus Paterson ang diumano’y tinutukoy na ama.

Leave A Reply

Your email address will not be published.