Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jay-R naghahabol sa premyo ng PDA

0 167

NI: VINIA VIVAR

Nagrereklamo ang singer na si Jay-R Siaboc dahil aniya ay hindi pa niya nakukuha ang premyo niya sa Pinoy Dream Academy Season 1.

Ang nasabing reality show ay umere sa ABS-CBN noong 2006 kung saan ay si Yeng Constantino ang tinanghal na grand winner habang si Jay-R naman ang first runner-up. Si Ronnie Liang naman ang second runner-up.

Sa Facebook post ni Jay-R last Friday, he revealed na up to now ay hindi pa raw ibinibigay sa kanya ang premyo niyang condominium unit at food franchise.

“Nung Nag 1st runner up aq sa PDA(Pinoy Dream Academy)kasama Sana sa premyo q ay Condominium at franchise ng Belgian Waffle, pro sad to say both di q natanggap Ang mga to,di q alam kung makukuha q pa ba to,pro sana at ngayon nman sa mga kanta q WLA na nman aq natanggap

“Sa panahon ngayon na WLA tayo trabaho di maiwasan maalala ang mga bagay na sa tingin moy dapat sana ay sa iyo,. Well Panginuon nlang cguro Ang bahala at nkakaalam.., God Bless & Be safe sa lahat,” ang post ni Jay-R.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Matapos ang ilang oras ay muling nag-post si Jay-R at klinarong hindi niya gustong maka-offend. Nagbigay din siya ng mensahe sa kanyang mga basher na nag-react nang hindi maganda.

“Gusto q lng po klarohin yung post q kanina, WLA po akong intension na mkasakit or mka offend ng kahit sino, simple lng po gusto q Nagbabakasakali lng po aq. Dun sa mga nag salita/react ng hindi maganda dun sa post q pakiusap lng po mag research muna kayo bago po kayo manghusga, wag tau magsalita kung WLA tau masyado alam

Salamat Po,” post ni Jay-R.

Bukod dito ay may hugot din ang singer tungkol sa kanyang kantang Hiling na umaabot na sa 25 million ang views sa YouTube channel ng Wish 107.5.

“Mas maganda Sana Kung may kasama cheque hehe,para nman ma experience q din kumita sa kanta q. Salamat sa patuloy na supporta!!!” ang caption niya sa post niya kung saan ay kino-congratulate siya sa 25M views ng Hiling.

Well, hindi namin alam kung ano talaga ang totoo sa sinasabi niyang hindi pa niya nakukuha ang premyo niya sa PDA. In 2018 ay may interview siya kung saan ay sinabi niya na niloko umano siya ng dating manager at kinuha ang lahat ng pera niya kasama na ang napanalunang condo unit.

So, ano talaga ang totoo?

Leave A Reply

Your email address will not be published.