Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jay Sonza tiklop sa demanda ni Julia

0 276

Mistulang nabahag si dating broadcaster Jay Sonza nang hindi ito umapir sa patawag sa kanya ng National Bureau of Investigation (NBI) para magbigay ng kanyang paliwanag kaugnay sa reklamong cyber libel sa kanya ng aktres na si Julia Barretto.

Nalaman na pinadalhan si Sonza ng subpoena ng NBI Cybercrime Division para ibigay ang kanyang panig kahapon pero hindi siya dumating.

Hindi rin nagpadala ng abogado si Sonza at wala ring anumang uri ng komunikasyon na ipinalada sa NBI.

Magugunita na sinabi ni Sonza sa kanyang post na binabati niya si Bretto at Anderson dahil `may nabuo’ umano sa sinapupunan ni Julia habang magkasama sa lockdown na tinawag niyang “ESQ (extra sex quadrant)” dahilan upang ireklamo ito ni Barretto. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.