Abante Tonite Interactive

Jaycee, Lyceum pinaiyak ang EAC

135

Nanggagalaiting sumagwan ng 23 points si Jaycee Marcelino upang bidahan ang paghihimagsik ng Lyceum Pirates sa first tormentor Aguinaldo Generals, 83-71, sa 95th National Collegiate Athletic Association men’s basketball tournament 2nd round elims Biyernes ng gabi sa FilOil Flying V Centre, San Juan City.

Ginanti ng Intramuros-based squad ang 84-82 loss sa mga taga-Gen. Luna nitong Hulyo 12 para dugtungan pa ang pananalanta sa anim at paderan ang pagtangan sa segunda sa 12-3 win-loss record, pinagulong ang EAC sa 3-12 na nasa ilalim pa rin.

‘Di rin nagpahuli si Cameroonian Mike Nzeusseu na kumayod ng twin-twin job 14 markers at 16 rebounds para pa rin sa LPU.

Nang kumatok ang Generals sa 57-60 sa rolyo ng 3rd quarter, halos mag-isang binalikat ni Jaycee ang fourth quarter sa hinalihaw doong 13 pts.

Eklipsado ang 16 pts. ni Marwin Taywan sa Aguinaldo. Pati ang 14 ni Jethro Mendoza.

Umulit naman ang defending champion San Beda Red Lions (15-0) kontra Mapua Cardinals (7-8), 83-55, na giniyahan ng tig-15 puntos nina Calvin Oftana at James Canlas.

Tinipa naman ni Kim Aurin ang 29 pts. kabilang ang 2 free throws sa endgame para mabuweltahan ng host Arellano Chiefs (4-10) ang 1st round tormentor Benilde Blazers (7-7),85-83.

Ang iskor:

LPU 83 – Jaycee Marcelino 23, Nzeusseu 14, Caduyac 12, Santos 9, Tansingco 8, Jayvee Marcelino 7, David 4, Navarro 3, Pretta 3, Ibanez 2, Valdez 0, Yong 0, Remulla 0.

EAC 71 – Taywan 16, Mendoza 14, Gurtiza 9, Gonzales 7, Maguilano 6, De Guzman 6, Luciano 4, Cadua 3, Estacio 2, Dayrit 2, Martin 2, Corilla 0. (Aivan Episcope)