Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jayda pumalag sa mga fan ng SethDrea

0 181

NI: ARCHIE LIAO

Kinukuyog ng Sethdrea fans si Francine Diaz dahil sa umano’y pang-aagaw ng Kapamilya actress ng partner.

Ito ay pagkatapos na lumamlam na ang KyCine love team nila ni Kyle Echarri.

Feeling ng mga faney, panggulo si Francine sa tandem nina Andrea at Seth Fedelin na magkasama sa seryeng “Saying Goodbye.”

Sa kanya namang Twitter account, nagpahayag ng suporta si Jayda Avanzado sa kaibigang si Francine Diaz sa pinagdadaanan nito. Ipinost pa niya ang photo nila together.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Makahulugan din ang caption nitong:

“Remember that you are loved by many, including me ❤️ @francinecarreld.”

Dahil dito, umani ang naturang post ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers.

Anila, pasaring daw ito kay Andrea.

Matatandaang sa isang vlog, ibinahagi noon ni Brillantes na wala siyang masyadong kaibigan sa showbiz.

Naungkat din ang kontrobersyal na pahayag nito na maraming plastik sa showbiz.

Leave A Reply

Your email address will not be published.