Abante Tonite Interactive

Jaymee Joaquin 3 beses bumalik ang kanser

514

Sa ikatlong beses, muli na namang bumalik ang kanser ng aktres na si Jaymee Joaquin.

Ibinalita niya sa kanyang Instagram ­account na patuloy ang kanyang pakikipaka sa kanser na tinawag niyang “b*tch”.

Aniya, “I’m tackling this b*tch called cancer the 3rd time around and I need your prayers, well wishes and support.

Dagdag pa niya, “C’mon. Make me believe that humanity still exists and that life, no matter how unfair, is worth the goddamn fight!

#letswinthis.”

Gayunpaman, hindi pa rin maiwasan ng aktres na mainis at malungkot dahil sa kabila ng pangangalaga niya sarili at pagbabago ng lifestyle, patuloy pa rin siyang nakikibaka sa kanser.

Aniya, “I’m just hoping I tolerate it well, and that it really shoos away this cancer bitch because I’m done with it. I’m so fucking done.”
Hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa sa kabila ng pabalik-balik niyang sakit. Sey niya, “Say yes three times. Three times. I won it once, I got it twice, and I’m gonna win again.”

Nagsimula siyang ma-diagnose ng Stage 2A breast cancer noong Oktubre, 2016. Sumailalim siya sa chemotheraphy treatment noong January 2017 sa UC San Diego Moores Cancer Center.

Naging cancer-free siya noong July 27, 2017 at muli itong bumalik noong March 2019. (Rona Ronda)