Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jayson, David may pasabog

0 124

Ibubunyag nina National Chess Federation of the Philippines chief executive officer Grandmaster Jayson Gonzales at Philippine Judo Federation president David Carter ang dalawang sasabakang event ng kanilang mga player sa papasok na buwan.

Ang dalawang opisyal ang mga panauhin sa online session ng Philippine Sportswriters Association Forum ngayong Martes ng alas-10:00 nang umaga na mga hatid ng San Miguel Corp., MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, PAGCOR, Smart at Upstream Media.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isisiwalat ni Gonzales ang tsansa ng mga Pinoy sa 9th Chess World Cup 2021 sa Sochi, Russia sa July 10-August 3, habang ihahayag ni Carter ang pag-asa ni Kiyome Watanabe sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na inusog ng pandemya sa parating na July 23-August 8.

Leave A Reply

Your email address will not be published.