Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jayson, Ramon sa Forum

0 138

Sina shooter Jayson Valdez at Philippine Sports Commission commissioner Ramon Fernandez ang bisita sa Philippine Sportswriters Association online Forum ngayon.

Si Valdez ang pang-12 Filipino na nag-qualify sa 2020 Tokyo Olympics sa susunod na buwan, chef de mission si Fernandez ng Team Philippines sa SEA Games sa Hanoi sa November.

Ibabahagi ng air rifle shooter Valdez ang pagkakuha ng slot at ang last-minute preparations niya bago sumalang sa Games.

SM food to go Banner Ad

Mag-a-update naman si Fernandez sa training at vaccination ng athletes, coaches at officials sa SEAG.

Alas-10:00 nang umaga ang umpisa ng Forum na mga hatid ng San Miguel Corp., MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant at PAGCOR, Smart at Upstream Media.

Naka-livestream ang sports program sa Facebook page ng PSA fb.com/PhilippineSportwritersAssociation at sa Radyo Pilipinas 2. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.