Abante Tonite Interactive

JBC naghahanap na ng kapalit ni CJ Bersamin

331

Tumatanggap na ng aplikasyon ang Judicial and Bar Council (JBC) para sa susunod na punong mahistrado ng Supreme Court (SC).

Nakatakda na kasi magretiro si Chief Justice Lucas Bersamin pagsapit ng kanyang ika-70 kaarawan sa Oktubre 18, 2019.

“The date of actual receipt by the JBC of the complete documentary requirements of the applicant or recommendee shall be deemed as the date of filing,” nakasaad sa anunsiyo ng JBC na nilagdaan ni Clerk of Court at JBC Ex Officio Secretary Edgar Aricheta.

Naging mahistrado ng SC si Bersamin matapos italaga ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Marso 10, 2003. Si Pangulong Rodrigo Duterte ang humirang sa kanya bilang punong mahistrado ng SC noong Nobyembre 28, 2018. (Juliet de Loza-Cudia)