Abante Tonite Interactive

JC ayaw patusin si Bela

818

tonite-imo-vinia-vivar

Na-friend zone na agad ang closeness nina Bela Padilla at JC Santos na reunited sa pelikulang “The Day after Valentine’s” matapos ang hit movie nilang “100 Tula Para kay Stella” last year.

Sa presscon kahapon para sa “The Day after Valentine’s” ay natanong ang dalawa kung posible bang ma-develop ang friendship nila sa isang romantic relationship since pareho naman silang single ngayon.

Abante Hiring – IT dep

“Parang sa ngayon, parang hindi po kasi ‘yun nga, eh, naging mag-best friend kaming dalawa. Naging tropa kami. ‘Yun parang pag nagka-girlfriend siya, kailangang dumaan sa akin. Wow!” sabi ni Bela.

Sabi naman ni JC, “Totoo. Kung magpapa­­k­a­­sal na siya, ako rin ‘yung ano.”

Pero aminado ang aktor na napakarami raw nilang similarities ni Bela.

“Para kaming pinagbiyak na bunga. Marami kaming similarities, pareho kami halos ng simila­rity.

“Pero unang-una po sa lahat, eh ang tawagan naming, eh short term for “kapatid”, ang tawag ko sa kanya “kaps,” he said.

Si Bela naman, aniya ay masaya siya na makatrabahong muli si JC at si Direk Jason Paul Laxaman na siya ring direktor ng 100 Tula Para Kay Stella.

“We already have a group. Parang pagda­ting namin sa set, alam na namin kung paano pakisamahan ‘yung isa’t isa kaya kung itong “100 Tula Para Kay Stella,” nadalian kami, mas madali po ngayon kasi kung baga, tantyado na namin ‘yung isa’t isa sa trabaho,” ani Bela.

Malaking bagay din daw ‘yung nag-shoot sila sa Hawaii dahil sobrang saya raw nila during the filming at komportable na rin daw talaga siya kay JC.

“I’m happy kasi si JC never made me feel awkward or alam mo ‘yun, pag nage-eksena kami, kahit medyo intimate na, wala akong napi-feel na natatakot ako kasi I know I’m safe with JC.

“So kaya nag-transcend siya into real life. Parang best friends na kami,” pahayag pa ni Bela.

Isa sa official entry ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 ang “The Day After Valentine’s” na ipalalabas na nationwide mula sa August 15. Produced by Viva Films, the film is rated PG by the MTRCB (Movie and Television Review Classification Board) at Graded A ng CEB (Ci­nema Evaluation Board).

Dingdong simple ang birthday

Kahapon, August 2 ay kaarawan ni Dingdong Dantes at sa post ng asawang si Ma­rian Rivera ay makikitang nagkaroon sila ng simpleng lunch sa isang restaurant habang kinakantahan siya ng “happy birthday” ng mga waiter.

Sa Instagram story naman ni Dong ay makikitang masaya silang namamasyal na mag-asawa sa mall na marahil ay papunta sa restaurant.

Simple rin ang na­ging birthday gree­ting ni Ma­rian na ipinost sa kanyang Instagram. Nag-post siya ng larawan nila ni Dingdong na magkasama at sa caption, she wrote, “Feliz cumpleaños Mi Amor!”

Sa IG Story naman ay nag-caption si Marian sa larawan nila ng “love you mahal.”

Eversince ay hindi naman mahilig magpa-party­ si Dingdong sa tuwing kaarawan niya at mas gusto niyang ipinagdiriwang ito nang simple lang kasama ang kanyang pamilya at kaibigan.