Abante Tonite Interactive

JC ikinasal sa huwes

0 863

tonite-imo-vinia-vivarSa finale presscon ng ‘Since I Found You’ ay naroroon si JC de Vera na gumaganap bilang Ginno sa naturang serye. Memorable rin sa kanya ang seryeng ito lalo na nga’t dito ay isa na siyang ama in real life.

Mag-aapat na buwan na ang baby girl ni JC na si Lana next week at walang kasing-saya ang aktor sa kanyang buhay ngayon as a father and as a husband.

Yes, he revealed yesterday na ikinasal na pala sila ng ina ng kanyang anak via civil rite at pinaplano na nila ngayon ang church wedding.

“‘Yung church wedding, depende ‘yun sa itatakbo ng aking trabaho, kasi siyempre, hindi naman ‘yan basta-basta, ‘di ba? Ayaw naman naming planuhin lang siya nang mabilisan, so, gusto talaga namin, ‘yung dream talaga naming ‘yung gusto naming gawin for that day. And hindi ko pa sure talaga kung ano ‘yung itatakbo ng trabaho ko,” ani JC.

Siyempre, kung may ginagawa siyang work, mawawalan siya ng time to plan for the wedding dahil gusto rin daw niyang maging hands on.
“Gusto ko, kasama ako sa planning, eh. Gusto namin, ready kami,” he said.

Ang dream daw nila ay ‘pag naglalakad na ang anak nila saka sila pakakasal, like pag mga 3 years old na ito.

“Gusto ko, side by side sila (na naglalakad papunta sa altar) nung partner ko. Gusto ko sabay sila. Parang dalawa silang pakakasalan ko, parang ganu’n,” he said.

When asked kung mamamatay siya sa serye, talagang diretsong sinagot ni JC na hindi.

“Spoiler ako, hindi ako mamatay. Happy ending ito, 50-50 happy ending, bawal ang sad ending,” sambit pa niya.

Kasama rin sa “Since I Found You” sina Arci Muñoz, Empoy Marquez, Alessandra de Rossi Michael de Mesa, Carmi Martin, Joey Marquez, John Lapus, Moi Marcampo, Isabel Oli-Prats, Kate Alejandrino, Vivoree Esclito, Benj Manalo, Joel Saracho, Cholo Barretto with the special participation of Miss Charo Santos-Concio.

Daniel, Carlo ‘di nahintay nina Piolo-Robin

Ibinalita ni Piolo Pascual sa farewell presscon ng ‘Since I Found You’ na kumpleto na ang cast nila sa Marawi movie at nagkaroon na nga raw sila ng story conference recently. Ilan sa mga ini-reveal niyang kasama sa cast ay sina Robin Padilla, Mylene Dizon, Jasmine Curtis-Smith, indie actor Jess Mendoza, Ronnie Lazaro, Sid Lucero at da­lawang baguhang artista.

In the past ay nabanggit na nga ni Papa P na hindi na nakasama pa sa cast si Daniel Padilla dahil nga busy ito. At ayon sa aktor kahapon, hindi na rin kasama si Carlo Aquino.

“He’s (Carlo) is doing a movie, hindi rin siya nakapagpahinga since after (Meet Me In) St. Gallen, dire-diretso si Carlo. We wanted him for the role, even DJ (Daniel) but you know, just like what I said in my last interview, we can’t wait for the actors because ‘yung ground zero, nire-rehab na, so we have to shoot already. So we have to do it with what we have and so far, it’s working because sobra ‘yung commitment ng lahat ng tao,” ani Piolo.

Timing nga raw na magtatapos na ang SIFY sa Friday at pagkatapos nito ay magpo-focus na siya sa Marawi. Gustuhin man daw niyang magpahinga ay hindi puwede at lilipad na nga raw siya sa Mindanao.

“Mahirap kasi first time kong gagawin ang ganu’n kalaking proyekto, not just as a producer but an actor, so ninanamnam ko muna itong Since I Found You because right away, diretso akong Marawi to do immersion already,” he said.

Sa kabila ng ganitong klaseng proyekto na ginagawa niya, wala pa rin naman daw nagbabago sa mga political views niya mula noon hanggang ngayon.

“I’m pro-life, I’m a nationalistic, I don’t take sides, I’m a born-again Christian and I’m proud but you know, I have my opinions and I will keep it to myself for now because you know, hindi ko pa naman kailangang sabihin ‘yun, but what I’m doing is to advocate humanity, hindi naman ‘yun anything political.”

As we all know, Muslim naman ang isa niyang kasama sa movie na si Binoe at aniya, wala naman daw silang conflict pagdating sa bagay na ito. In fact, puring-puri niya ang action star.