Abante Tonite
Mabilis sa Balita

JC inurirat sa kasalang Janine, Rayver

0 229

First time na magtatambal sina Janine Gutierrez at JC Santos sa pelikulang Dito at Doon ng TBA Studio. Iikot ang movie sa pag-iibigang nabuo kahit chat at video call at chat lang ang komunikasyon.

Sa blogcon ng Dito at Doon ay tinanong si JC kung nanghihingi ba ng tips si Janine dahil pamilyadong tao na ang aktor.

“Nanghingi ng tips ?Hindi naman. I think si Janine magaling mag-observe. Hindi niya kailangang magtanong minsan.Hindi niya kailangan ng tips,” tumatawang pakli ni JC.

Ano ang maipapayo niya pag naisipang ‘magpakasal’ na sina Janine at Rayver Cruz?

“Just take your time. I mean wala namang ready sa settle down so it’s up to you,” tugon niya.

Pero sabi naman ni Janine wala pa sa plano nila ni Rayver ang magpakasal.Ang priority nila talaga ngayon ay makapagtrabaho at mag-ipon.

“Wala pa ‘yun sa isip ko,” deklara niya.

Kasama sa Dito at Doon sina Victor Anastacio, Yesh Burce .Ito ay sa direksyon ni Direk JP Habac. Showing ang pelikula sa March 17 sa mga sinehan at digital platform.

Sobrang happy si Janine sa experience niya nang gawin ang movie na ito. Enjoy siya na katambal si JC.

“@j.c.santos CHEYSEE!!!! Iba ka 🤍 Thank you. Alam mo na yan. Sana maulit pa ng maraming beses. Dami kong natutunan sayo (kasama na doon ang tamang beat ng s2pid luv). Dun ko talaga nasigurado na mabuting tao ka eh. Hahaha walang biro, idol kita forever ,” post ni Janine sa IG.

Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.