Abante Tonite
Mabilis sa Balita

JC kinarir balik-alindog; alagang Rhea Tan

0 113

NI: ROLDAN CASTRO

PORMAL na nilunsad ng BeautéHaus ang dramatic actor na si JC Santos bilang opisyal na brand ambassador nito.

Itinatag ni Rhea Anicoche-Tan noong 2016ang BeautéHaus , isang subsidiary ng Beautéderm Group Of Companies at itinuturing itong isang major beauté hub sa Angeles City, Pampanga.

Ipinagmamalaki ng clinic boasts ang isa sa pinakamahuhusay na medical teams sa Northern Luzon na dalubhasa sa larangan ng dermatology at kumpleto din ito sa mga latest top-of-the-line, cutting-edge machines at equipment sa larangan ng aesthetic medicine.

Sa nakalipas na anim na taon, libu-libo na ang mga pasyenteng nagtitiwala sa BeautéHaus dahil sa mga signature procedures nito gaya ng Beautédrip’s, Snow White Laser, Beauté Rejuve Laser with Beauté Glow Peptide, Ultimate V-Lift, Beauté Hifu at marami pang mga paboloso at life-altering na mga treatments.

Ngayon, ang center ay ang isa sa pinaka-pinagkakatiwalaan na dermatological clinic ng mga taga-Angeles City gay ana lamang ng mga fashion designers na sina Marlon Tuazon, Frederick Policarpio, at Michelle Viray; ang top OB- GYNE ng Central Luzon na si Dr. Rowena Mangubat; ang creative director na si Lance Tan; ang businesswoman na si Isabel Lim; ang marketing executive at lifestyle journalist na si Joanna Ning Cordero; ang Clark International Airport Corporation Vice President for Operations na si IC Calaguas; ang Executive Assistant IV to the Office of the Mayor of Angeles City na si Reina Manuel; at ang event planner na si Voltaire Zalamea – na lahat ay ambassadors ng Beautéderm Group of Companies kung saan bahagi ang clinic at ang Beautéderm at kasama din ang celebrity make-up artist na si Mariah Santos at ang internationally acclaimed fashion designer na si Mak Tumang na mga endorsers naman ng Beautéderm.

Ipinanganak at lumaki si JC Santos sa Pampanga at nagsimula ang kanyang karera sa teatro bago siya tuluyang sumikat bilang isa sa mga pinaka-nirerespetong character actors ng industriya. Ilan sa kanyang mga notable performances ay napanood sa mga top-rating na serye ng ABS-CBN gaya ng Till I Met You, Ikaw Lang Ang Iibigin, at FPJ’s Ang Probinsyano. Mayroon din siyang feature appearances sa mga critically-acclaimed films gaya ng 100 Tula Para Kay Stella, The Day After Valentines, at Miracle In Cell No. 7.

SM food to go Banner Ad

Sumailalim si JC sa ilang procedures sa BeautéHaus matapos ipanganak ang kanyang baby girl. Ang main concern niya ay maalis ang kanyang “dad bod” kaya naman nagpaggawa siya sa pamamagitan ng Lipodissolve at M-Shape – non-invasive body sculpting at slimming treatments. Nagpaayos din si JC para sa kanyang wrinkles sa tulong ng sa Beautétox .Pati na rin ang Exilift na tinatanggal ang dark circles, puffiness, at wrinkles sa kanyang mga mata.

“Kahit kaming mga lalake ay dapat umeffort para maging maayos ang aming itsura,” deklara ni JC.

“Bilang isang actor, it is my responsibility to take care of myself especially now that I am also busy taking care of my little girl. I work long hours and the stress of the job is taking a toll on my appearance. Maligaya at grateful po ako dahil swak na swak ang treatments ko sa BeautéHaus sa aking workouts at healthy diet.”

Si Rhea Tan naman ay maligayang maligaya din ngayong bahagi na si JC ng Beautéderm Group Of Companies bilang brand ambassador ng BeautéHaus.

“BeautéHaus started as a side hobby of mine. I initially bought all the machines for my personal use until I decided to open the clinic. I didn’t realize how successful the clinic is until several years ago. Excited ngayong kasama na namin si JC lalo na at ngayong naghahanda kami sa paglipat ng clinic sa isang mas malaking espasyo sa Beautéderm Corporate Center kung saan magiging bahagi ito ng lifestyle hub na ilulunsad namin ngayong taon na ito.”

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa BeautéHaus at para sa mga kapanapanabik na updates ukol kay JC Santos, i-like ang BeautéHaus sa Facebook.

Leave A Reply

Your email address will not be published.