Abante Tonite Interactive

JC Santos ikinasal na

408

Kasal na si JC Santos sa kanyang non-showbiz wife na ngayon ay buntis sa kanilang first baby.

‘Yun ang nalaman namin nang exclusive naming matsika si JC after ng presscon proper ng balik-tambalan nila ni Bela Padilla na “On Vodka, Beers, and Regrets”.

September last year pala nang ikasal si JC sa kanyang high school crush na si Shyleena Herrera.

Ang sabi sa amin ng magaling na aktor, hindi niya ito inilihim, wala lang nagtanong sa kanya about it.

Ang sagot niya sa amin kung bakit wala man lang siyang anumang post about his wedding ay dahil ang social media niya raw ay about work lang.

Present sa kasal ang family and close friends nil ani Shy, pero hindi rin daw nag-post ng pics ang mga ito dahil nirerespeto ng mga ito ang kanyang privacy.

So, malinaw na hindi aksidente ang pagbubuntis ng wifey niya dahil pinlano raw nila ito. At saka 31-anyos na raw siya, so ready na raw maging ama si JC.

Sobrang memorable kay JC ang taong 2019 dahil dininig daw ni Lord ang lahat ng dasal niya at lahat ng pangarap niya ay natupad.

Bukod sa ang ganda ng takbo ng career niya at nakasampung pelikula siya last year, nakadalawang plays siya at ‘yun nga, nagkita sila ulit ng kanyang crush na binasted siya 15 years ago.

Kaya naman hindi na raw niya ito pinakawalan at after nilang mag-hang out for a few months ay nag-propose na agad siya at nagpakasal sila ni Shy.
Bago ito ay 4 years si JC ang ex-GF niyang theater actress na si Teetin Villanueva. Naghiwalay sila 2 years ago.

Excited nang mag-alaga ng anak ang soon-to-be-father, pero gusto muna niyang makita ang kanyan baby girl.

Next month manganganak ang kanyang wifey, kaya sabi ni Bela, sana raw ay Valentine’s lumabas ang baby. O puwede ring sa February 5, na opening day ng Bela-JC movie in cinemas nationwide.

Parehong hit ang dalawa nilang naunang pelikula na “100 Tula Para Kay Stella” at “The Day After Valentine’s”. Nagkasama rin sila saglit sa MMFF 2019 topgrosser na “Miracle at Cell No. 7” pero ‘lolo’ ni Bela si JC sa nasabing hit movie ni Aga Muhlach.

Isang dating child star na nalulong sa alak ang karakter ni Bela sa “On Vodka, Beers, and Regrets” at musikero naman si JC sa bagong relationship movie na sinulat at dinirek ng blockbuster director (ng “Sid & Aya”, “Meet Me in St. Gallen” at “Camp Sawi”) na si Irene Emma Villamor.

Mark split na sa co-actor sa Seattle

Isa si Mark Bautista sa close friends ni Sarah Geronimo sa showbiz kaya malamang imbitado siya sa kasal nito kay Matteo Guidicelli.

Ang sabi sa amin ni Mark, hindi pa niya sure kung invited nga siya sa wedding, pero kinongratuleyt daw niya si Sarah sa group chat nila at sinabi niyang sobra siyang happy for her.

Willing daw siyang kumanta sa wedding ng AshMatt kung mahihilingan siya.

Tamang-tama at may kinompows na wedding song si Mark entitled “Simula”, na ginawan ng duet nina Aicelle Santos at Christian Bautista na mga kasama ni Mark sa pre-Valentine concert nilang tatlo na “1 For 3”.

“Halik sa Hangin” ang pamagat ng isa pang song na sinulat ni Mark na tila may hugot at may pinatutungkulan na isang former love.

Ani Macmac, after ng stint niya sa “Here Lies Love” sa Seattle niya raw ginawa ang kanta at ‘yun din ang time na lumabas ang book niyang “Beyond the Mark”.

Majority raw ng emosyon sa kantan ‘yon ay galing sa mismong nararamdaman niya, pero hindi naman daw niya ginawa ‘yon para sa isang particular person.

2017 pa huling nainlab si Mark sa isang co-actor niya sa Seattle. Nu’ng magkasama sila sa “Here Lies Love” ay meron daw silang ‘showmance’ na nadebelop sa show. But after ay nagtapos na rin ang kanilang relasyon.

Pagkatapos nu’n ay hindi pa raw siya naiinlab ulit. Bukod sa nag-iingat din siya ay wala pa raw siyang nahahanap na bago.

Biruan tuloy nina Aicelle at Christian na hahanapan nila ng ka-Valentine si Mark doon sa show nila sa February 1 sa The Theatre at Solaire.

First time nilang ipe-perform in public ang “Halik sa Hangin” at “Simula” sa “1 For 3” na silang tatlo mismo ang nag-produce, sa direksyon ni Paolo Valenciano.