Abante Tonite Interactive

Jean, Jo pinagnasahan si Alden – La Oro

0 533

Kaaliw si Elizabeth Oropesa kahapon sa presscon ng “The Gift” dahil ibinuking niyang may pagnanasa raw sina Jo Berry at Jean Garcia kay Alden Richards gayung ang karakter nila ay nanay ng aktor.

“Bago ang lahat, may comment lang po ako,” simula ni La Oro (bansag kay Elizabeth) sa grand media launch kahapon ng “The Gift”, “‘yung dalawang ina, may malisya sa anak. Napansin namin ‘yun.”

Nagtawanan ang lahat sa rebelasyon ni Oropesa at pati sina Jean at Jo ay laugh-to-death din. Kahit si Alden ay natawa rin.

“Palagi kong pinapaalala lalo na kay Miss Jean, ‘anak mo ‘yan.’ ‘Yun lang po,” sambit pa ni La Oro.

Buti na lang ay lola ng karakter ni Alden ang ginagampanan ng veteran actress at sey pa niya, “Lola niya ako, wala akong pagnanasa.” Tawanan.

Nahingan din ng reaksyon ang dalawang “nanay” ni Alden sa ibinuking ni La Oro at sabi ni Jo, “Hindi ko po alam kung ano ‘yung sasabihin ko. Lagi ring sinasabi ni direk (LA Madridejos), mag-ina kami rito.”

Kinikilig ba siya kay Alden?

“Opo,” mabilis na sagot ni Jo. “Kasi, idol ko ‘to, eh. Isa ‘to sa pinagpe-pray ko na maka-work and binigay naman po.”

Hindi ba niya wini-wish na maging leading man niya si Alden?

Nangingiti si Jo at nasambit na lang niya, “Masaya po ako sa role ko ngayon. Kasi ang ganda po ng story namin. Sobrang pinapaniwalaan ko ‘yung materyal, hindi ko po naiisip ‘yan ngayon.”

Sey naman ni Jean, hindi raw niya alam kung bakit nasabi ni La Oropesa na may pagnanasa siya kay Alden.

“Ito naman kasing si Tita Oro, kung ano-ano ang sinasabi,” natatawang sabi ni Jean.

“Wala, wala po, ano ba ‘yan? Nanay po ako rito, nanay. Biological mother, sa akin po nanggaling si Alden,” aniya. (Vinia Vivar)