Abante Tonite Interactive

Jean at Jomari, hanggang KAPS lang ang relasyon

By
15

SI Jomari Yllana pa rin ang inukilkil ng press kay Jean Garcia sa presscon ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Dahil nakikita silang magkasama at may pa-holding hands sila in public ay maraming naniniwala na may relasyon sina Jean at Jom kahit pa ‘Kaps’ (as in kapatid) ang tawag nila sa isa’t isa.

“Pero hindi talaga, eh. Honestly, wala talagang malice. Ayoko ring bigyan ng malisya. Kasi nga, hindi pa kami papunta roon.

“At saka ‘pag tinatanong ako about Jom, sinasabi ko na, ‘Ay, love ko ‘yon!’ Si Jomari nga, nag-a-‘I love you!’ sa akin sa FB, eh! Ha! Ha! Ha!” natatawang tsika ni Ms. Jean.

Sinasagot niya ba ito ng ‘I love you too!’?

“Nag-a-‘I love you!’ rin ako sa kanya. Pero as friends. ‘Love you, Kaps!’ Gano’n.

“Maski ako, hindi ko rin maintindihan na napakawalang malice na nagsasabi ka ng, ‘I love you!’ na hindi ko alam kung maiintindihan n’yo. Pero may ganu’ng relationship yata.

“Na maski kami, napag-usapan namin ‘yon before. Actually, galing kay Jomari ‘to, ang sabi niya, ‘Bihira ang makakaintindi kung anong relasyon meron tayo.’”

So, may relasyon sila?

“Na magkaibigan. Na walang malisya. Pero sabi nga namin, hindi kami nagsasalita nang tapos. Pero kasi, sobra kaming vibes.”

Walang malisya, as in puwede silang matulog sa isang kama na walang mangyayari, ganern?

“Parang puwede.”

Parang hindi siya sure, ha?

“Ha! Ha! Ha! Parang puwede.”

Jomari Yllana
Jomari Yllana

Single ba sila pareho ni Jom ngayon?

“Oo, single, single. Tapos, sinasabi sa akin ni Jom, ‘O, nagdi-date ka ba? Mag-iingat ka sa mga ano…’

“Ako rin, ganu’n din ako sa kanya, ‘Kaps, huwag kang basta-basta ano, pumili ka. Kasi, we’re not getting any younger.’ May mga ganu’n kami.”

Eh bakit hindi nila i-try na ma­ging sila?

“Kausapin n’yo si Jom! Ha! Ha! Ha!” tawa ni Ms. Jean, na gumaganap nilang ina ni Benjamin Alves, na pag-aagawan nina Julie Anne San Jose at LJ Reyes sa afternoon soap na Pinulot Ka Lang Sa Lupa.