Abante Tonite Interactive

Jean at Jomari, tinawanan ang HHWW

By
11

SUCCESSFUL ang premiere night ng Mano Po 7: Chinoy noong Biyernes sa SM Megamall.

Maaga ito sinimulan dahil nagkaroon muna ng parada ng ilang cast na kabilang sa pelikula.

Kasama ang dragon dance at Chinese dan­cers, inikot nina Richard Yap, Jean Garcia, Jake Cuenca, Janella Salvador at Jana Agoncillo ang SM Megamall paakyat sa Cinema 9.

Humabol doon ­sina Enchong Dee, Kean Cipriano, Jessy Mendiola, Marlo Mortel at Rebecca Chuaunsu.

Dumating si Luis Manzano sa premiere na nagpa-popcorn pa sa ilang movie press.

Sabi ni Jessy, nangako ang actor/TV host na darating para suporta­han siya.

Bago sinimulan ang screening, sandaling nakatsikahan namin si Jean Garcia.

Tawa ito nang tawa sa isyu nila ni Jomari Yllana.

Nakarating sa kanila ni Jom na napag-usapan ang panonood nila ng concert nina Radha, Frenchie Dy at Bituin Escalante sa Solaire, at nakita pa silang nag­hu-holding hands while walking (HHWW).

“We watched the concert sa Solaire, The Big Big Show of Radha, Frenchie Dy and Bituin Escalante. We’re good friends.

“Yung holding hands, wala naman ‘yun.

“Kanina nga, magka-holding hands din kami ni Papa Chen, ni Richard Yap wala naman ‘yun,” natatawang pahayag ni Jean.

Kung sakaling totoo ang isyu sa kanila ni Jomari, wala raw masama. Hindi nila ito itatago kung totoo man ito.

Pero magkaibi­gan lang daw sila dahil maganda ang sama­han nila sa The Half Sisters na umabot ng dalawang­ taon.

Napag-usapan nila ito ni Jomari at pinagtatawanan na lang nilang dalawa.

“Hindi nga namin alam kung bakit biglang ganu’n, eh. Na parang pinagtatawanan na lang namin na sinabi ko sa kanya, du’n sa presscon ko, tinanong nila sa akin about na magka-holding hands daw tayo sa Solaire, tapos tawa lang siya nang tawa.

“Tapos sabi niya, ‘Anong sabi mo?’ Sabi ko we’re good friends kasi ‘yun ang totoo, magkaibigan lang naman ta­laga tayo, ang we’re very close talaga,” pahayag nito.

Hindi naapektuhan ang pagkakaibigan nila ni Jomari sa isyung iyun.

Pero hindi malamig ang Pasko niya dahil nandiyan ang mga kaibigan niya at ang buong pamilya lalo na ang love na love niyang apo.

Masaya si Jean dahil maganda ang kinalabasan ng Mano Po 7. Pinuri ng MTRCB ang kanilang pelikula at natutuwa si Jean dahil sa magandang feedback sa pelikula.

“Kasi, ang peli­kula pong ito ay story ng mo­dern Chinese family na nagkaroon ng problema pero at the end of the day, nanaig pa rin ang pagmamahal saka na-prioritize ang family,” kuwento ni Jean.

Si Jean ang isa sa pi­nuri sa naturang pelikula.

Sabi ni Mother Lily, ito ang isa sa pinanghihinayangan niya nang hindi ito nakapasok sa MMFF. Tiyak daw na lalaban si Jean sa Best Actress cate­gory kung napabilang ang movie sa Magic 8 ng MMFF 2016.

Revelation sa pelikulang ito si Enchong Dee.

Consistent siyang magaling mula sa simu­la hanggang sa ending ng pelikula.

Sa Miyerkules (December 14) na ang showing ng Mano Po 7: ­Chinoy.