Abante Tonite Interactive

Jean, love ni Jomari ang KAPS

By
Jean Garcia
6

NATAWA si Jean Garcia nang tinanong namin sa kanya ang pagkaka-link nito kay Jomari Yllana.

May nakapagkuwento sa aming naririnig daw na nag-uusap sina Jomari at Jean sa telepono na nag-a-‘I love you’ sa isa’t isa.

Bahagi si Jean sa pelikulang Mano Po 7, kaya natanong namin sa kanya sa presscon ng natu­rang pelikula, kung ano talaga ang namamagitan sa kanila ni Jomari.

Paliwanag ng Kapuso actress, “Barkada talaga kami ni Jom. Nagkasama kami sa Alakdana, Kakambal ni Elia­na, tapos ito nga, sa The Half Sisters.

“So, naging close kami. Tapos nu’ng nag-campaign, pinag-campaign ko talaga siya, sinupport ko siya.

“Tapos may mga fans pa kami because of The Half Sisters. Marami silang pinu-post na ganyan. Parang magkapatid lang talaga kami. Walang malice.”

KAPS (for kapatid) daw ang tawagan nilang dalawa minsan ay nag-I love you sila, kahit nagme-message sila sa Facebook,

Wala raw talagang malisya ang closeness nilang dalawa.

Masaya daw muna ngayon si Jean na dala­wang taon na siyang loveless.

Open daw siyang ma-in love muli pero magiging maingat na raw siya.

Hindi niya maisip na maging sila ni Jomari dahil parang magkapa­tid lang ang turingan nila.