Abante Tonite Interactive

Jean nagpapangiti sa mga sawi

291

Agaw-pansin sa nalalapit na Miss World Philippines pageant ang Tarlac representative na si Jean Lacsina Tumang.

Standout siya sa taas na 5’10” kaya’t literal na angat siya kumpara sa kanyang mga katunggali sa beauty pageant. Taglay rin niya ang well-toned body na halatang alaga sa diet at tamang ehersisyo.

Graduate si Jean ng Bachelor of Science in Tou­rism Management sa Dominican College of Tarlac. May master’s degree rin siya in Public Administration sa Tarlac State University at sa ngayo’y empleyado sa gobyerno sa Capas, Tarlac.

Kinoronahan na siyang Miss Tourism Philippines 2016 Model of the Universe PH, at pasok sa Top 10 sa Miss City Tourism World na ginanap sa Taizou, China.

Ikinagagalak niya ang makakita ng mga matatamis na ngiti hindi lang sa mga bata kundi maging sa mga sawi.

“With the profession I chose, I wholeheartedly and truly enjoy my time aiding others, specifically in immersing myself in my advocacy: Reason to Smile Project. The aim of this project disseminate information and awareness to children from public elementary schools at the young age to be knowledgeable on how to take good care of their teeth and gums. I want to share to the children the real meaning of Confidence, Happiness and a Reason to Smile will build self-esteem and whatever the status, nationality or race. A beautiful and confident smile will take us a step closer to success.”

Nais ni Jean na mas maitaguyod ang kanyang adhikain para sa mga bata kaya’t sumali siya sa Miss World Philippines.

Umaasa rin siya na ngumiti sa kanya ang tadhana at palaring magwagi sa natu­rang beauty pageant.

(Jun Lopez)