Abante Tonite Interactive

Jean, pinagsabay ang 2 Chinoy

By
Jean Garcia
23

PAGKATAPOS ng mainit nilang love scene ni Derek Ramsay sa The Escort ay si Jake Cuenca naman ang kahalikan ni Jean Garcia sa Mano Po 7: Chinoy.

Sinong mas masarap, si Derek o si Jake?

“Magkaiba. Kasi kay Derek, medyo very passionate, tapos ako ‘yung aggressive ‘di ba? Kay Jake kasi, kiss lang na sandali lang,” dayalog ng batikang aktres.

So, nabitin siya kay Jake?

“Hindi, uy! Ha! Ha! Ha!”

Ani Jean, wala silang love scene ni Jake, kissing lang. Sila ni Richard Yap ay ni walang kiss samantalang mag-asawa ang role nila sa MP7.

Sa kuwento ay nagka-affair si Jean kay Jake dahil hindi siya pinapansin ng asawa niyang si Richard at hindi na sila nagsi-sex. Para siyang may asawang tuod.

Dapat ay may love scene sila ni Richard, pero parang hindi na raw kailangan ang nasabing eksena kaya hindi na ito kinunan ni Direk Ian Lorenos.

Ang sabi raw ni Richard kay Jean, “Bakit ganu’n, ako ang asawa, bakit ako walang kissing scene?”

Sayang, crush pa naman ni Richard si Jean since Impaktita days.

Ang sabi sa amin ni Jean ay magtu-two years na siyang walang lovelife. Nagdi-date lang siya ngayon.

Ang tagal na pala niyang tigang, huh?

Jake Cuenca
Jake Cuenca

Natawa lang ang 47-anyos na aktres at ang natatawang hirit sa amin, “Ewan ko sa inyo, pinaglalaruan n’yo na naman ako! Pampamilya ang Mano Po 7, ‘no!”

Nagkaroon na siya ng Pinoy at Hapon na karelasyon. Nasubukan na ba niya ang Chinoy?

“May dine-date akong dalawang Chinoy ngayon,” sagot sa amin ni Jean.

Alam ba ng dalawang Chinoy na pinagsasabay niya ang mga ito?

“Eh hindi pa naman ako committed, eh. I’m dating lang.”

So far, masarap ba ang Chinoy?

“Pareho lang ng Pilipino! Ha! Ha! Ha!” tawa ng magaling na aktres.

Sa December 14 ang showing nationwide ng Mano Po 7: Chinoy ng Regal Films.