Abante Tonite Interactive

Jed aminadong may umay factor sa ‘ASAP’

By
348

Maraming nakakapansin na madalang na lang mapanood sa “ASAP Natin ‘To” si Jed ­Madela, unlike dati na every Sundays siya rito bilang isang performer.

“Siguro kasama du’n sa bagong reformat ng ‘ASAP,’ siyempre we have to adjust din sa change. Hindi naman puwedeng pare-pareho lang for the longest time. Siyempre, minsan, mauumay din ‘yung mga tao na in a sense, kailangan magbigay din tayo ng bago sa kanila.

“Hindi naman ibig sabihin, hindi na kami laging nakikita, hindi na kami part ng ‘ASAP.’ We’re still part ng ‘ASAP,’ ‘yun nga, niro-rotate-rotate lang. For example, there are times na mag-i-experiment, magdu-duet si ganito saka si ganyan. May experimentation na nangyayari diyan. So, tinitingnan nila kung ano ‘yung magwo-work,” paliwanag ni Jed nang mag-guest siya sa online show namin nina Mildred Bacud at Rodel Fernando na “Showbiz Pamore Tonite.”

Nu’ng bumalik si Regine Velasquez sa ABS-CBN 2 ay nilagay siya sa “ASAP Natin ‘To.” May ilang buwan na rin naman sa nasabing noontime variety show si Regine, pero hindi pa nagkaroon ng pagkakataon na mag-duet sila ni Jed.

“Sa concert ko, nag-duet na kami. Pero sa ‘ASAP,’ wala pa. Ako naman, looking forward na maka-duet ko rin siya.

“Saka ano rin kasi, ang alam ko, usually, based ‘yan sa social media din, kung ano ‘yung hinihingi ng mga tao. Like for example, si Regine saka si Sarah (Geronimo), Regine saka si KZ (Tandingan). ‘Di ba sobrang pumatok din ‘yung duet nila?”

Sama ng loob idinaan sa sulat

Tuloy-tuloy na ba ang pagko-compose niya ng kanta?

“Oo, gusto ko tuloy-tuloy na,” sagot ni Jed.

“Kasi, nakaka-enjoy pala siya. Para siyang therapy…na ‘pag marami kang iniisip, marami kang kinikimkim na emosyon, isulat mo lang lahat, kasi nakakaluwag-luwag (ng emosyon).
Madali bang mag-compose kapag may kinikimkim kang sama ng loob?

“Actually, oo, mas madali,” pagsang-ayon pa niya.

“Halimbawa may pinagdadaanan ka, ‘yung heartbreak, sama ng loob, sumulat ka agad. Hindi kailangang maging perfect mo agad, isulat mo lahat ng nararamdaman mo, tapos balikan mo, ayusin mo lang. Puwede ring humingi ng tulong (sa kapwa composer).”

Fifteen years na sa showbiz si Jed, pero hanggang ngayon ay aktibo pa rin siya sa kanyang singing career, unlike ‘yung ibang mga kasabayan niya na nawala na.

“Sobrang thankful ako na you know, kahit paano, nandito pa rin ako (sa music industry). Hindi man ako ‘yung sikat na sikat, pero nandito pa rin ako, steady lang,” sambit pa niya.
Panoorin ang kabuuan ng panayam kay Jed sa Abante Tonite Facebook Page, Abante Tonite YouTube channel at Abante TNT website. Please like and share.

Boyband.ph umanib sa ‘Be With You Again’

Anyway, busy ngayon si Jed Madela sa promo ng kanyang latest single titled ‘Be With You Again’ na kasama sa bago niyang album, ang “Jed Madela Superhero,” mula sa Star Music.

Ang “Be With You Again” ay hindi lang solong kinanta ni Jed. Kasama niya ang all-male group na Boyband.ph, na mga kapatid niya sa Star Music.

“Hindi lang sila magagaling kumanta, mababait pa. Two years na sila sa business, pero ganu’n pa rin sila, mababait pa rin, wala pa ring nagbabago sa kanila,” papuri pa ni Jed sa Boyband.ph.
Bukod sa “Be With You Again,” kasama rin sa album ang tatlo pang sinulat na kanta ni Jed, ang “Never Bring Me Down,” “I Got Your Back” at “You Were Mine Even Just For A While.”
Available na ang “Be With You Again” na ma-download sa iTunes, Spotify at Amazon.