Abante Tonite Interactive

Jed, Frankie, Dawn nainis sa mga Taal meme

0 543

Maging ang trahedyang nangyayari ngayon sa bansa ay ginawang katatawanan ng ilang mga netizen. Marami ang naglalabasang memes dahil sa pagputok ng Taal Volcano sa Batangas nitong Linggo, January 12.

Hindi naman nagustuhan ng ilang artista at mga netizen ang mga biro sa kalamidad na ito. May isang nagsabi na sana sumabog pa ang Taal para walang pasok sa lahat.

Mayroon din na isinisisi ang “Tala Dance Challenge” ni Sarah Geronimo sa pagputok nito. Nalaos daw bigla ito dahil sa balita sa Taal volcano eruption.

Ilan sa mga artista ang nagpahayag ng inis at pagkadismaya sa mga meme na kumakalat.

Isa na rito ang anak nina Megastar Sharon Cuneta at Francis Pangilinan na si Frankie.

Aniya, “Stop with the taal jokes btw i’ve seen too many of them and they’re breaking my heart, maging sensitibo naman po tayo.”

Nagbigay din ng paalala ang singer na si Jed Madela at ang model-host na si Dawn Chang.

Ani Jed, “Stop posting jokes and memes about Taal. It’s not funny. Not at all.”

Inunahan naman ni Dawn ang mga netizen na mahilig gumawa ng memes sa mga usok ng bulkan. Sey niya, “Naku panigurado marami nanamang maghahanap ng mukha ng demonyo sa usok ng Taal Volcano.” (Rona Ronda)