Abante Tonite Interactive

Jed hindi uurungan si Erik

By
1,746

Usaping mang-aawit pa rin, sina Erik Santos at Jed Madela, kapwa iseselebra ang kanilang 15th anniversary sa showbiz.

Ang mga binata, kapwa may concert pasabog. Si Santos, sa September 22 sa MOA Arena, samantalang ‘yung kay Madela ay sa November 16 sa Araneta Coliseum.

Ang diva that you love, nakadaupang palad at nakachika ang singer na may counter tenor vocal range sa isang Saturday evening radio program.

Sa tanong kung keribels niya bang makipag-back-to-back concert with Erik, ang mabilis na sagot agad nito ay, “Game ako, hindi ako uurong diyan! Anytime, pero pagkatapos na ng solo concerts namin.”

First time kong nakausap si Madela at ang impresyon ko sa kanya, matalino, mainam ang mga sagot, galing sa puso at sensitive.

Nu’ng nag-phone patch interview kay Lani Misalacha at papuri kay Ma­dela ang mga sinasambit, “Naiiyak ako,” bulalas ni Jed at kita ko talagang he teared up. Awww! Hindi itinatanggi ni Jed na siya ay super fan at mahal niya talaga si Ms. Lani.

Sa nalalapit na hinaharap at napipintong pagsasama nina Jed at Erik, hindi ba bongga ang showdown na mangyayari? Ang King of Teleserye Theme Songs at World Champion magkasama sa isang entablado, kabugan, tapatan, pataasan ng boses at nota, huh.