Abante Tonite Interactive

Jed nag-sorry sa boses palaka at kambing ni Britney

By
3,510

Ikinagalit ng mga fans ng iconic American singer na si Britney Spears ang sinabi ni Jed Madela sa episode last Sa­turday ng Your Kids Sounds Familiar, kung saan ay isa sa mentors ang male singer.

Ikinumpara kasi ni Jed ang boses ni Britney sa palaka at kambing habang tinuturuan niya ang isa sa contestant na si Krystal Brimmer kaya naman umalma ang Britney Army (fans ng foreign singer) at na-bash siya nang hindi oras.

“K. you’re talented, @jedmadela but why say that about Britney? I know you’re just joking but it fired something on B-Army, they (we) got offended… disappointed,” sabi ng isang fan ni Britney.

Kaagad namang nag-sorry si Jed sa mga Britney fans na na-offend.

“Hello!!! Uyyyy I’m sorry! Please don’t get me wrong. I, too, am Britney fan since day one until now! It was a way of ma­king the kid easily understand how to switch her voice. Didn’t mean anything bad. Sorry ulit kung na offend kayo,” ang tweet ni Jed.

Tweet pa ulit ng singer na sinasagot ang isa pang basher, “Uyyy sorry kung na offend ko kayo. I love Britney and we just did that way of teaching para mas madali makuha ng kids ang boses. Of course, inexaggerate lang namin yun para mas ma-emphasize ang uniqueness ng boses ni Britney. Sorry ulit.”

May natuwa naman sa kanyang apology at nagpasalamat sa kanya na sina­got ulit ni Jed ng another “sorry”.

“Sorry, sorry talaga. Please extend my apology to all Britney fans. Again, we just had to compare it to animal sounds kasi yun ang theme tulad ng ibang icons na inimitate ng kids,” paliwanag pa ni Jed.

May sumagot namang fan ni Britney at aniya, “We know na you’re just doing that to teach the kids in an easy way pero nakaka-offend lang po lalo na Hollywood singer yung pinagsabihan mo @jedmadela.”

Sagot naman ulit ni Jed, “Again… my apologies. We try our best to make it easier for the kids eh. But yeah… harsh nga. Sorry po.”

Sa katakot-takot na pagso-sorry ni Jed, kumalma na rin naman ang fans ni Britney at naintindihan na rin siya.

“Intindihin nalang po natin si kuya @jedmadela Tao lang din siya, nagkakamali. Sa mga naoffend po sana ay patawarin niyo na siya alam natin na nakakaoffend talaga yung nasabi niya pero Forgiveness is the best Revenge #OnlyLoveNoHate,” komento ng isang netizen.

Bandang huli ay puring-puri na si Jed ng mga netizens dahil sa pagpapakumbaba na ginawa nito.

Kris nag-dinner sa langit

Tuwang-tuwa si Kris Bernal sa na-experience na ‘Dinner in the Sky’ kasama ang boyfriend na si Perry Choi nitong nakaraang buwan.

Sa Solaire Hotel ito available kung saan ay nagdi-dinner kayo habang nasa ere kayo at umiikot sa buong Manila Bay.

Kuwento ni Kris nang makatsikahan namin sa taping ng The Cure, first time niyang na-experience ang Dinner in the Sky kung saan ay isang oras silang nasa ere at nagdi-dinner.

“One hour lang talaga ang oras, so, kahit hindi pa tapos ang pakain mo, bababa na (after 1 hr),” kuwento ni Kris.

Nasa 15,000.00 daw ang presyo per person ng Dinner in The Sky kaya naman rich lang talaga nag makaka-afford nito.

“Kung ako lang, akyat na lang ako sa rooftop,” natatawa niyang sabi.

May nagtanong kung paano raw kung gusto mong gumamit ng CR (comfort room) at ani Kris ay hindi raw puwede siyempre at dapat bago ka kumain ay mag-CR ka na.
Nag-enjoy naman daw siya dahil wala naman daw siyang fear of heights.

Samantala, si Kris ang bagong pasok na karakter sa The Cure na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez na kasalukuyang umeere sa primetime slot ng GMA-7. Kasabay niyang pumasok si Matt Evans at gagampanan nila ang role na mag-asawa.

Guest lang naman daw siya sa serye at wala naman daw siyang ginagawa pa ulit na soap kaya pa-guest-guest lang muna siya.