Abante Tonite Interactive

Jed, Vickie krisis sa pagkita ng datung

0 893

NI: MILDRED A. BACUD

Isa sa mga naapektuhan na trabaho sa bansa dahil sa pandemic dulot ng COVID-19 ay mga live events.Ipinagbabawal muna kasi ang mga concert, live show at iba pang social gatherings.

Isa sa mga naapektuhan ay si Jed Madela. Tulad niya at ng ibang singers, malaking pinagkukunan nila ng income ay ang pagko-concert at guestings at corporate shows. Lahat ng ito ay natigil kaya mapapansin ding aktibo sila sa kanilang social media account sa kawalan ng trabaho.

Binahagi ni Jed sa kanyang Facebook ang sentimyento sa gitna ng pandemyang ito.

Post niya, “Still awake. Nakatingin sa ere. Nag-iisip. Hmmm. Ano kayang pwedeng gawin para kumita? “Walang concerts, walang corporate shows, walang live performances. Paano na?”

Sa comment section ay sinang-ayunan naman ito ng beauty queen na si Vickie Rushton. Aniya, ” Same here kuya, 5:04 am na.”

Hindi lang ang mga ordinaryong tao ang di nakakatulog, pati mga singer, artista, modelo.

Ika nga nila lahat ay pantay pantay sa pagkakataong ito.

Tonite – Wendys Inhouse Ad