Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jeep di nag-signal, Grab driver dedbol

0 56

NASAWI ang isang Grab Express driver nang makasalpukan ng minamanehong motorsiklo ang isang pribadong jeep na hindi nag-signal light sa Bacoor City, Cavite.

Isinugod pa sa St. Dominic Hospital si Ernie Orines, 48, isang Grab Express driver ngunit nasawi rin habang hawak na ng pulisya ang driver ng jeep (DTE 351) na si Renato Marteja, 59.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ni PSSgt Edison Fetalcurin ng Bacoor City Police Station, alas-2:30 kamakalawa ng hapon nang naganap ang insidente sa Angelus cemetery sa Aguinaldo Highway, Brgy Habay 2.

Minamaneho ng biktima ang pink nitong motorsiklong Suzuki Smash galing Manila patungo sa direksiyon ng Imus City.

Galing naman sa Imus City ang suspek at binabagtas ang opposite direction nang tinangka nitong kumaliwa pero hindi ito nag-signal light dahilan para makabanggaan ang motorsiklo at napuruhan ang biktima. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.