Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jeep na may 5 sakay, nag-dive sa bangin

0 80

LIMA katao ang himalang nakaligtas sa kamatayan matapos bumulusok ang sinasakyang pampasaherong jeep sa mahigit 50-metrong lalim ng bangin sa Barangay Tuding, Itogon, Benguet kamakalawa.

Sa ulat ng Itogon Police Station (IPS), ang nasugatang biktima ay sina Rommel Apilado, 36, driver; Jeremy Tomas, 24; Lefty Laoyan, 22; Joven Apilado, 28; at Armando Apilado, 54; pawang taga-Baguio Gold, Tuding, Itogon, Benguet.

Sa report ng pulisya, binabaybay umano ng driver ng jeep na si Apilado ang nasabing barangay nang bigla itong mawalan ng preno dahilan upang mawalan ito ng kontrol sa manibela.

Dahil nasa gilid ito ng bangin, bumulusok ito sa may 50 metro ang lalim.

Agad namang rumesponde ang mga operatiba at matagumpay na naiahon ang mga sugatang pasahero na mabilis na isinugod sa ospital. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.