Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jeep nahulog sa bangin, 15 sakay nadale

0 241

Patay ang isang babae habang 11 ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang jeep sa bulubunduking bahagi ng Sagubo-Gadang Provicial Road sa Mocgo, Sagubo, Kapangan, Benguet noong Martes ng gabi.

Kinilala ng Kapangan Municipal Police Station (KMPS) ang biktima na si Sarsenia Sapigao, ng nasabing bayan.

Sa report ng KMPS, pauwi na umano ang jeep na minamaneho ni Manuel mula Baguio City papuntang Kapangan nang aksidenteng nadulas ang unahang gulong ng sasakyan at nahulog sa may 250 na metro ng bangin.

Naisugod naman sa Benguet General Hospital ang anim na biktima na sina Mario Polon; Lanie Lacwayan; Chai-an Langcao; Jhemimah Langaoan; Carlito Manuel at Sapigao.

Ngunit si Sapigao ay namatay dahil sa tinamong malalalim na sugat sa katawan at ulo.

Dinala naman sa Kapangan District Hospital ang nasugatang sina Wennie Manuel, Ritch Brandon Carino, Estrella Waclin, Corazon Lacwayan, Josephine Dagdag at Jovie Langaoan. Nakalabas na rin sa pagamutan sina Dexter Buyao, Jonard Alejandro at Jonie Jade Assan. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.