Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jeep sa NCR dinagdagan ng 1K

0 54

Inanunsiyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-arangkada ng karagdagang 1,159 tradisyunal na mga pampasaherong jeep sa may 28 ruta sa National Capital Region (NCR) o Metro Manila simula Lunes, Setyembre 14.

Inaprubahan ng LTFRB ang pagbubukas ng 28 karagdagang ruta base sa Memorandum Circular 2020-046.

Nilinaw din ng LTFRB na mga “roadworthy traditional PUJ” na may balidong Personal Passenger Insurance Policy ang pinayagan nilang bumiyahe na hindi na kailangan pang kumuha ng special permit.

Bibigyan na lamang ng QR Code ang mga operator na dapat ipa-print sa bond paper at i-display sa loob ng jeep.

Pinaalalahanan din ng LTFRB ang mga jeepney driver na walang taas pasahe at kailangan pa rin maging istrikto sa pagsunod sa mga health at safety protocol katulad ng pagkuha sa temperature, pagsuot ng face mask at shield, glove at physical distancing ng mga pasahero. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.