Abante Tonite Interactive

Jeep sinalpok ng firetruck, 7 nadale

223

Sugatan ang 7-katao kabilang ang driver at mga pasahero ng isang jeep matapos banggain ng isang firetruck kahapon ng ­madaling-araw sa ­Singalong at Quirino Ave­nue sa Maynila.

Isinugod sa Ospital ng Maynila (OSMA) para malapatan ng lunas ang biktimang sina Ramil Bautista, driver ng jeep na may rutang San Andres-Padre Faura. Gayundin ang mga pasa­herong sina Avserkim Velez, Ivy Caborce, Apoyon Guadalupe, Artecito Galicia, Giend Encorge at Allysa Zapata.

Sa inisyal na ulat ng Manila District Traffic ­Enforcement Unit, naganap umano ang insidente dakong alas-kuwatro ng madaling-araw.

Binabaybay umano ni Bautista ang nabanggit na lugar nang tumbukin ng fire truck na minamaneho ng hindi pa nakikila­lang driver.

Sa lakas ng impact, nayupi ang tagilirang bahagi ng jeep.

Iniimbestigahan pa kung galing ito sa sunog o ‘di kaya ay nagrasyon ng tubig.