Abante Tonite Interactive

Jeep tumaob sa Olongapo, 19 sugatan

By
135

Sugatan ang labing-siyam na katao kabilang ang driver ng pampasaherong dyip nang tumaob matapos mawalan ng preno habang nasa biyahe sa Barangay New Cabalan, Olongapo City kahapon ng umaga.

Sa panayam ng TONITE sa driver na si Carlito dela Vega, 51-anyos, pababa na ng Purok 1, Lower Libas sakop ng nabanggit na barangay ang minamanehong jeep (CVP 156) nang biglang mawalan umano siya ng preno bandang alas-6:50 ng umaga.

Tinangka pa umanong igiya ni Dela Vega ang manibela subalit dahil pabulusok ang kalsada ay tuluyan nang tumaob ang naturang dyip na puno ng pasahero.

Magkakasunod na isinugod sa James L. Gordon Memorial Hospital ang mga pasaherong nagtamo lamang ng minor injury na sina Rodel Torreliza, Nho­yel Gordon, Leonard Francisco, Arnold Sabio, Manuel Hiduaza, Angeline Mallari, Ferreras Garcia, Remelyn Espero, Raquel Crespo, Rizel Tubili Dialo, Marisa Lorenzo, Earen Rupa Jean Ira Rebuto, Babylyn Labor, Ronald Perea, Esmeralda David, John Santos at Jimuel Viray.

Posible namang maharap sa kaukulang kaso ang driver ng jeep.