Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jeepney driver inambus sa QC

0 339

Todas ang 41-anyos na jeepney driver matapos pagbabarilin ng isang lalaki sa Quezon City, Martes ng hapon.

Sa inisyal na report, ang biktima ay nakilalang si Neil Paglinawan, may asawa, at naninirahan sa Matapat St., Brgy. Pinyahan. Alas-3:10 ng hapon nang mangyari ang pananambang sa EDSA malapit sa kanto ng East Avenue.

Batay sa pahayag ni Michael Cruz, kasama ng biktima at nagmamaneho ng sinasakyan nilang gray na Honda van (BDG 450), galing sila sa Kamuning Police Station at may dinalaw na preso.

Nang pauwi na, tinatahak nila ang nasabing lugar nang bigla na lamang silang tinapatan ng suspek na sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ang biktima na nasa passenger seat ng van habang hindi naman sinaktan si Cruz.

Nakasamsam sa crime scene ng apat na basyo ng bala ng ‘di pa batid na kalibre ng baril. Masusi naman nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa nangyaring pamamaslang, pero ayon sa source ang napatay na biktima ay isang police asset. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.