Abante Tonite Interactive

Jeepney driver nag-suicide sa kakapusan

342

Winakasan ng isang jeepney driver ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili matapos na makipag-argumento sa kanyang misis dahil sa ‘financial problem’ sa Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ni P/Lt. Nick S. Fontanilla ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Elizalde, 21, taga-Tandang Sora, QC.

Sa inisyal na imbestigasyon ni Patrolman Julius Vinasoy, alas-singko nang hapon (Agosto 15) nang matagpuan ang naka­bigting katawan ng biktima ng kanyang misis sa loob sa kanilang silid.

Una dito, nagkaroon umano ng mainitang argumento sa pagitan ng mag-asawa dahil sa problema sa pera at pagkatapos ay nagpaalam ang biktima saka pumasok sa kanilang silid.

Makalipas ang ilang oras ay pumasok sa kanilang silid ang misis ng biktima upang kausapin muli ang kanyang asawa subalit laking gulat nito nang makitang nakabigti na gamit ang garment belt ng kanyang mister.

Agad na humingi ng saklolo ang misis at isinugod sa Quezon City General Hospital ang kabiyak subalit binawian din ito ng buhay bandang alas-5:45 nang hapon. (Dolly Cabreza)